MMS Batch 17 |
Nung sumali ako sa Metropolitan Mountaineering Society para magtraining ng Basic Mountaineering Course, isa sa mga kailangan kong matapos ay ang dalawang Minor at dalawang Major climbs. Ang dalawang minor climbs ay ang Mt. Daguldol at Mt. Iglit. Nakasama ako sa Mt. Daguldol ngunit hindi sa Mt. Iglit. Pagkatapos ng Minor climbs, major climbs naman. Ang mga Major climbs ay Mt. Amuyao at Mt. Kalawitan. Magkalapit na bundok lang sila pero naka-set ng makaibang araw.
Huli kong akyat sa Amuyao ay noong March 2016. Kasama ko noon ang ilang MMS members na sina Ed Velasquez, Edmund Milanes at Leigh Tuazon. Preparation namin yun para sa Mt. Guiting-Guiting climb na naganap noong May 2016. Traverse yung ginawa namin nun, from Batad, Ifugao to Barlig, Mountain Province. Ngayon, nagbalik ako sa Amuyao para sa aming training kasama ang aking batchmates at ang MMS. Kasama ko ulit sila Ed, Edmund at Leigh, pero ngayon ang gagawin namin ay Barlig-Barlig lang.
Day 0
Ang meet-up place namin ay sa Coda Lines Terminal sa Cubao. Bagong setup ito sa amin dahil madalas kaming sumasakay sa Ohayami pag sa Mountain Province o Ifugao ang mga akyat. Umalis kami ng Cubao ng mga bandang 09:00PM. Medyo excited ang lahat ng kapwa ko trainees dahil ibang level na nang akyatan ito. Masusubukan ang kanilang kakayahan sa pagakyat ng bundok.
Hindi kumpleto ang Batch 17 sa akyat na ito. 8 lang kami na nakasama, sina Aldrin Valentona, Dolfo Roxas, Karis Corpus, Tin Orlino, Christian Mirales, Marc Evangelista, Aki Oblefias at ako. Pero madami namang senior members ang sumama sa amin. Ang ETA namin o Expected Time of Arrival sa Banaue ay 7:00AM.
Day 1
Nakarating kami ng Banaue mga bandang 7:00AM. Nasunod naman ang itinerary namin at buti walang aberya sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya kung saan madalas traffic at madalas ang aksidente. Dumeretso kami ng Hidden Valley Restaurant kung saan kami nagbreakfast at nagtake-out para sa lunch.
Pagkatapos naming magalmusal ay tumungo na kami sa Barlig, Mountain Province. Ang ilan sa amin ay nagtop-load sa jeep para makalanghap ng sariwang hangin at makakita magagandang views. Isa ako sa mga nagtop-load, naenjoy ko pa din kahit masakit sa puwet. Halos dalawang oras na byahe ang papunta sa Barlig. Pagdating namin sa jump-off, agad kaming nagregister at naghanda sa pagakyat.
Para sigurado na magkaroon kami ng camping spot sa Amuyao, merong kaming Advance Party na mga mauunang aakyat sa summit at isesecure ang spot sa campsite. At sa lakas ng loob at tiwala sa sarili, pinilit kong maging kabilang sa grupo. Hahaha!
Nagstart kami umakyat ng mga bandang 10:30AM. Nauna na kaming Advance Party. Kasama ko sina Jayson Jogno, Jess Pontillas at ang isang senior member na si Sir Jerry Escosio. Mabibilis sa akyatan sina Jayson at Jess kahit mabigat ang kanilang mga dala. Si Sir Jerry naman noon ay nakaporter kaya bitbit lamang nya ang isang maliit na bag. Pero hahanga ka sa lakas nya kahit hindi maitatanggi na matanda na sya. Ako naman, dala ang mabigat kong tallpack samahan pa ng mabigat kong pangangatawan ay sinusubukang sumabay sa kanila.
Ako ang nahuhuli sa aming apat. Hirap na hirap akong sabayan ang kanilang pace. Pero sabi ko, sasama ako sa Advance Party kaya kailangan kong tumuloy at sumabay. Nakaadjust na ang katawan ko pagdating sa kalagitnaan. Noong unang akyat ko sa Amuyao, since traverse kami, pababa kami sa trail na inaakyat ko ngayon. Matarik pala!
Sa dami ng mura na sinabi at hirap na dinanas, nakarating pa din sa summit. Nakuha ko ng apat na oras from jump-off to summit. Mas maaga kami ng dalawang oras sa average time na mararating ang summit which is 6 hours.
Unti-unti nang dumadating ang iba naming kasamahan. Buti na lang at may radio kaming gamit, nalaman ko na malapit na ang sweep team sa summit. Madaming nagexpect na matatagalan dumating ang sweep. Pero wala pang pitong oras ay nakarating na sa summit ang sweep team.
Kumagat na ang dilim at tila napagod ang mga tao. Ilan lamang ang nakapagsocials kahit malamig. Si Ed naman ay abalang abala sa paghahanda ng Blueberry Cheesecake para sa kanyang girlfriend na si Jhed Munoz. Matapos nyang isurprise ay pinagtulungan namin ang isang plato ng cake habang nagkekwentuhan.
Sobrang lamig nung ako ay patulog na. Dinoble ko ang aking medyas at binalot ang sarili sa sleeping bag. Katabi ko noon ang aking kabatch na si Aldrin na mahimbing nang natutulog.
Day 2
Nagising ako bago pa mag-alarm ang aking telepono dahil sa lamig. Agad akong lumabas at nag-abang ng sunrise at umasa na makakakita ulit ng Sea of clouds. Nung lumiwanag, nagpakita ulit ang Sea of clouds sa akin sa tuktok ng Mt. Amuyao.
Sunrise at 2,702 MASL |
Sea of Clouds at Mt. Amuyao |
Lumabas na din ang iba para magpicture, tapos nag-almusal at naghanda sa pagbaba. Mga 8:00AM na kami nagumpisang bumaba. Sumama ako sa sweep team sa pagbaba para chill lang. Ang sweep team ay binubuo nila Aldrin Valentona, Dolfo Roxas, Marc Evangelista at ako.
Karis Corpus and Tin Orlino |
Pagkalipas ng tatlong oras ay niradyo na ng Lead Team na nasa baba na sila kasama ang iba kong ka-batchmates. Nakakatuwa na mabilis natapos ang iba kong kabatchmates. Lalo na ang kabatch kong si Karis na sinuweep nung pataas pero nangunguna sa pagbaba.
Tayn Nivera, Edmund Milanes, Jhed Munoz, Ed Velasquez, Doc Elle Asuncion and Jess Pontillas |
Jayson Jogno |
Sea of Clouds |
Going down |
Barlig, Mountain Province |
Naging maganda ang feedback sa training climb na ito. Ito daw ang pinakamabilis na Mt. Amuyao Training climb so far. Naging smooth at walang naging problema. Biro nga ni Marc Evangelista, disappointed sya sa climb, dahil nagexpect sya ng matagal na pagbaba pero naging mabilis lang lahat.
Pagkatapos ng Post-climb, pumunta na kami sa Banaue at doon sasakay ng bus pauwi ng Manila, pero bago ang pag-uwi, celebration muna. Nanghihinayang lang ako na hindi nakasama ang iba kong mga kabatchmates. Nawa'y sa susunod na training climb ay kasama na namin ang iba na gaganapin sa Mt. Kalawitan.
Mt. Amuyao (Barlig-Barlig)
April 29-30, 2017
No comments:
Post a Comment