Saturday, April 1, 2017

Hiking Adventures #34: Kibungan Circuit - Mt. Tagpaya, Mt. Oten and Mt. Tagpew

Wala pa isang buwan pagkatapos naming umakyat sa Bakun, bumalik ulit ako sa Cordillera para naman bisitahin ang famous peaks ng Kibungan, Benguet. Kasama ulit ito sa open climbs na hinanda ng Metropolitan Mountaineering Society.


Kibungan Circuit
Kibungan


 Day 0


Ang Team Leader ng expedition ay si Jhed Munoz at ang Assistant Team Leader naman ay si Tayn Nivera. Iaassist din sila ng Senior Team Leader na si Ed Velasquez. Kung nakapagbasa kayo ng iba kong post, mapapansin nyo na sila din ang aking mga kasama sa mga Major climbs ko.

Umalis ang bus ng mga 10:00PM. Pagdating namin ng Baguio, sasakay kami ng jeep papuntang Kibungan na aabutin ng mga 4-5 oras na byahe.



Kibungan Circuit
Bound to Baguio


Day 1


Pagdating namin sa Kibungan Municipal Hall, agad kaming naghanda ng mga gamit. Sila TL Jhed na ang nagasikaso ng registration at iba pang kelangan para sa pagakyat namin sa mga bundok ng Kibungan. Kasama din namin ang Batch Coordinator nila na si Andy Bulay na nag-initiate ng warm-up bago magumpisa ang pagakyat.


Kibungan Circuit


Nung okay na ang lahat, sumakay ulit kami ng jeep papuntang Tanap Jump-off kung saan maguumpisa ang trekking. Mga bandang 10:00AM yun ng umaga, target ng grupo na makarating ng Buga Campsite bago gumabi.


Kibungan Circuit
Kibungan Town Hall


Tanap Jump-offs
Tanap Jump-off 


Kibungan Circuit
Start Trek


Ang sarap magtrek sa Kibungan, ang ganda ng view sa trail at magaganda ang mga Rice terraces. Nakakamangha. Kaya naman tinawag ang Kibungan na "Switzerland of the Philippines". Bago sumapit ang gabi, nakarating na kami sa Buga Campsite. Maganda ang view sa Buga, ang daming clouds nung andun na kami. Ang lakas din ng Signal ng Globe Network kaya nakapagFacebook live pa kami.



Kibungan Circuit


Kibungan Circuit
Hiking Brothers. Ed and Edmund

Kibungan Circuit


Kibungan Circuit

Kibungan Circuit


Kibungan Circuit


Kibungan Circuit


Kibungan Circuit


Kibungan Circuit
Sea of clouds


During socials, may palaro sila Sir Mau na tinawag na Ketchup, Mayonnaise, Hotdog. Isa ako sa mga nanalo. Hahaha!

Day 2


Mula sa Buga Campsite, naghanda kami para sa ikalawang araw ng aming akyat. Ang goal namin ay makarating sa Tagpew campsite kung saan madadaanan namin ang Mt. Oten.

Maganda ang trail papuntang Mt. Tagpew. Halos kagaya sya ng trail sa Bakun pero madami syang variances at mahaba ito. Bago magdapit hapon, nakarating na kami sa Tagpew Campsite. Malawak ang campsite at may magandang view. Pag sapit ng gabi, as usual, may socials na naman.

Kibungan Circuit


Sir Mau


Kibungan Circuit


Kibungan Circuit
Tagpew Campsite

Day 3 


Gumising kami ng mga bandang 3:30AM at naghanda paakyat ng summit ng Mt. Tagpew. Inabot kami ng dalawang oras paakyat at sakto sa sunrise. Medyo cloudy kaya hindi ganoon kaganda ang view. Kita na sa summit ang Bakun at bukod dun, nasa summit ng Mt. Tagpew ang separation ng Bakun at Kibungan.

Kibungan Circuit
Mt. Tagpew Summit

Kibungan Circuit


Bumalik kami sa Tagpew campsite at doon nag-agahan bago bumaba. Nagumpisa kaming bumaba mga bandang 8:00AM. Maganda ang view pababa ng Tagpew campsite syempre dahil na din ng mga pine trees. Makikita na din sa trail ang Tenglawan sa Bakun. Bilang part ng Lead team, muntik na kaming maligaw at papunta na kami ng Bakun kung hindi pa kami sinagawan ng iba naming kasama.


Kibungan Circuit
Almusal


Kibungan Circuit


Nakarating kami sa Mini-Chapel ng mga 11:00AM at doon nagpahinga at kumain. Matapos magpahinga ay tumuloy na ulit kami sa paglalakad. Ang next target namin ay ang view deck kung saan makikita ang isang rice terraces, hindi ko alam kung ano ang pangalan.


Kibungan Circuit
The Lead Team


Kibungan Circuit


Kibungan Circuit


Pagkatapos ng mabilis na picture taking, tumuloy na ulit kami sa pagbaba. Mga isa at kalahating oras na lang makakarating na kami sa baba. Ngunit, isa sa aming kasamahan ang nainjured dahil sa pagkakadulas. Agad namin itong tinulungan kasama si STL Ed at ang sweeper ng group na si Andy Bulay. Inabot kami ng mahigit tatlong oras bago nakakababa, pero mabuti na lang at maayos naming natulungan at naibaba ang aming kasamahan na nainjured.


Kibungan Circuit


Kibungan Circuit


Pagdating namin sa exit-point ng buong Circuit, sumakay na kami ng jeep na naghihintay sa amin pabalik ng Municapal Hall.

Sa Municipal Hall na kami nagligo at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos noon ay nagkaroon kami ng post-climb kung saan sasabihin ng mga guest ang kanilang comments, reactions sa climb.

Matapos ang akyat na ito. Nagsuffer ako sa Insect Bite Allergy na sabi ng friend ko na baka nakuha ko sa Buga Campsite. Halos dalawang buwan akong nangangati hanggang sa nagpacheck-up ako at saka ko lang nalaman na meron pala akong Insect Bite Allergy.

Kibungan Circuit
Kibungan, Benguet
Jump-off: Sitio Tanap, Poblacion, Kibungan
November 26 - 28, 2016






No comments:

Post a Comment